Halloween Costume ideas 2015

Mga Celebrities Sa Drug List, Isasailalim Sa Oplan Tokhang - Dela Rosa


Posibleng isailalim din sa Oplan Tokhang ang mga celebrities na nasa drug list ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Philippine National Police (PNP) chief Director General Ronald dela Rosa, kung makakakuha siya ng kopya ng listahan, pwedeng isailalim sa Tokhang ang mga showbiz personalities na sinasabing gumagamit o nagtutulak ng droga.


Aminado naman si Dela Rosa na sa ngayon hindi pa niya nakikita ang bagong listahan.

Ani Dela Rosa, sakaling nasa kaniya na ang listahan pwedeng papuntahan ang mga celebrities sa kanilang bahay at istasyon ng telebisyon at kukumbinsihin na sumuko ang mga ito.

Ayon kay Dela Rosa, kung naisasailalim sa Oplan Tokhang ang mga high-end subdivision pwede ring isailalim sa proseso ang mga tanyag na personalidad.



Nauna na nang sinabi incoming Subic Bay Metropolitan chairman Martin Diño na hindi bababa sa 50 celebrities ang nasa listahan.

Sa nasabing bilang, hindi umano bababa sa sampu ay nagtutulak ng droga.

Hindi naman pinangalanan ni Diño ang mga celebrities.







                                              source (Radyo Inquirer)(Partner4Change)
Labels:

Post a Comment

MKRdezign

Contact Form

Name

Email *

Message *

Powered by Blogger.
Javascript DisablePlease Enable Javascript To See All Widget