Halloween Costume ideas 2015

8 sasakyan nagkarambola sa Makati

8 sasakyan nagkarambola sa Makati






Nagkarambola ang walong sasakyan sa Barangay Pinagkaisahan, Makati Miyerkules ng umaga. Nagbanggaan ang mga southbound na sasakyan sa kanto ng Jervois at Harvard streets. isang pick-up truck ang pumaibabaw sa isa pang sasakyan dahil sa aksidente. nagdulot ang karambola ng matinding trapik sa lugar 

Inamin ng jeepney driver na si Emmanuel Miranda na kasalanan niya ang banggaan sa kanto ng Jervois at Harvard streets, pasado ala-7 ng umaga.

Mabilis aniya ang takbo ng kanyang jeep nang mawalan ito ng preno at sumalpok sa apat na kotse, dalawang UV Express van at isa pang jeep.

Sa lakas ng banggaan, pumaibabaw ang isang pick-up truck sa isang Mitsubishi Mirage.

Apat na motorista ang nangailangan ng first-aid dahil sa insidente.
Nagdulot ng matinding trapik sa lugar ang mga naaksidenteng sasakyan na hindi pa rin naiaalis sa daan pasado alas-8 ng umaga. -- May ulat nina Alex Calda, DZMM; Anjo Bagaoisan, ABS-CBN News

Post a Comment

MKRdezign

Contact Form

Name

Email *

Message *

Powered by Blogger.
Javascript DisablePlease Enable Javascript To See All Widget