"Palagi nating sinasabi sa isang relationship, ano man 'yan, give and take. At saka malalaman mo lang 'yun kapag 'yun na ang dinesisyon ni Lord na 'yun ang makakasama mo. Always remember that marriage and love is a commitment. Hindi pwede 'yung kunwari pagdating ng panahon na siya na nga, tapos kasal na kayo eh hindi pwedeng ayaw niyo na.
"It's a commitment, bonding na sinasabi niyo sa Panginoon na magsasama kayo habangbuhay," ani Ai Ai sa panayam sa kanya sa isang press conference para sa concert niyang "Ai Meets Lani."
Pag-amin ni Ai Ai, kung sakali ay matatagalan bago siya muling magpakasal.
"Hindi pa, hindi pa ngayon. Siguro mga 5 or 6 years, depende. Sa totoong buhay, hayaan natin si Lord na ang mag-decide kung saan niya ako at kung kailan niya ako ipapakasal," aniya.
Ayon kay Ai Ai, sagot sa kanyang panalangin na kinilala na sa Pilipinas ang kanyang divorce o pakikipaghiwalay sa dating asawang si Jed Salang. Ibig sabihin nito ay malaya na ang aktres na muling magpakasal.
"Ang tagal din, halos two years din akong naghintay. Nung una, kinakabahan ako baka nga hindi ma-grant. Pero sabi ko nga, in God's time, si Lord ang makakaalam. Isa ito siguro sa sagot Niya sa mga panalangin ko na maging maayos na ang single life ko at buhay ko, kaya siguro ginrant niya ito dahil 'yun din ang dasal ko," aniya.
Ayon kay Ai Ai, kung sakaling dumating ang panahon, nais niya na ang kanyang idolo na si Lani Misalucha ang umawit sa kanyang kasal.
Si Lani ang umawit ng "Ikaw" noong ikinasal si Ai Ai kay Jed noong 2013. Tumagal lang ang pagsasama nila ni Jed ng 39 araw.
Post a Comment