Halloween Costume ideas 2015

P1.5-mil halaga ng party drugs nasamsam, 2 arestado

MAYNILA - Arestado sa buy-bust operation sa lungsod ng Mandaluyong ang dalawang lalaking hinihinalang tulak ng ilegal na droga, Biyernes ng umaga. Sa inisyal na ulat ng pulisya, nahuling nagre-repack ng "party drugs" ang dalawa sa loob ng isang condominium.



Tinatayang aabot sa P1.5 milyon ang halaga ng ilegal na droga na nakuha sa dalawang suspek. Nakuha mula sa kanila ang ilang cocaine, Valium, marijuana, at mga tabletas ng iba't ibang klase ng ecstasy. May nakuha rin umanong mga blangkong kapsula, drug utensils, at mga sangkap sa paggawa ng droga. Ayon sa mga rumespondeng tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), hinahalo ang mga droga gamit ng blender, inilalagay sa mga kapsula at saka ibinebentang party drug.



Itinanggi naman ng dalawang suspek na personal silang magkakilala. Ayon sa isang nagpakilalang Ronald Fonda, may pinahatid lang sa kanya ang may-ari ng condominium unit na kinilala niyang Karl Agbulos. Alam niya umanong may nagaganap na bentahan ng droga ngunit giit niya, humiwalay na siya roon. Sabi naman ng isang nagpakilalang Gervy Lee, taga-ibang palapag siya at dinampot lang siya sa kuwarto niya. Hindi rin umano siya gumagamit ng droga dahil ginagamot siya ngayon sa kanyang sakit.



Post a Comment

MKRdezign

Contact Form

Name

Email *

Message *

Powered by Blogger.
Javascript DisablePlease Enable Javascript To See All Widget