Halloween Costume ideas 2015

No. 3 sa drugs watchlist ng Hagonoy, huli sa buy-bust





MANILA - Nasakote sa buy-bust operation Martes ang pangatlo sa drugs watchlist ng pulisya sa Hagonoy, Bulacan.
Hindi na nakapanlaban ang suspek na si Luciano "Sonny" Laderas sa operasyon ng pulisya sa kanyang bahay sa Barangay Sto. Niño dakong alas-10 ng gabi.
Ayon kay Superintendent Heryl Bruno, hepe ng Hagonoy police, una nang sumuko ang suspek sa mga awtoridad at nangakong magbabago, pero ipinagpatuloy pa rin ang iligal na aktibidad.
Nahuli rin ang drug runner ni Laderas na si Romeo Baluyot na umaming gumagamit ng droga.
Hindi naman itinanggi ni Laderas ang pagkakaugnay niya sa bentahan at paggamit ng bawal na gamot.

Nakumpiska sa suspek ang 15 pakete ng hinihinalang shabu na may timbang na 30 gramo at nagkakahalaga ng P80,000.
Nahaharap sina Laderas at Baluyot sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act

Credit UKG ABS-CBN

Post a Comment

MKRdezign

Contact Form

Name

Email *

Message *

Powered by Blogger.
Javascript DisablePlease Enable Javascript To See All Widget