Kung mayroon mang pagkakamali si Pangulong Rodrigo Duterte sa away nila ni Sen. Leila de Lima, ito ay ang ‘sexist attack’ ng una, ayon sa women’s party na Gabriela.
“Resorting to sexist attack is likewise wrong and unacceptable,” anang grupo ng kababaihan.
Ayon kay Rep. Emmi de Jesus, hindi katanggap-tanggap ang ginawa ni Duterte sa kanilang kapwa babae na si De Lima at nangangamba pa ang personal na away ay hindi makakatulong sa pagresolba ng problema sa droga sa bansa.
“Personal attacks muddle investigation and steer people further away from truth and justice. We urge President Rodrigo Duterte and Senator Leila De Lima to both stick to facts in both the investigations on extrajudicial killings and the probe on drug trafficking and coddling,” ani De Jesus.
Suportado din ng grupo ang ginagawang imbestigasyon ni De Lima sa extrajudicial killings sa gitna ng kampanya sa ilegal na droga ng administrasyon ni Duterte kaya hindi umano ito dapat masapawan ng pesonalan ng Presidente at ng senador.
Isa namang mambabatas na hindi na nagpabanggit ng pangalan dahil miyembro siya ng supermajority ang nagsabing,
“Ang resulta ng away na iyan nina President at Sen. De Lima, wala nang magsasalita sa amin dito (sa Kongreso) lalo na kung mayroon kang itinatago na lihim dahil baka i-reveal ng Pangulo in public.”
(Abante)
(Abante)
Post a Comment