Sen. Trillanes IV pinaalalahan si PNP Chief Dela Rosa
Bilog ang mundo.
Ito ang paalala ni Senador Antonio Trillanes IV kay PNP chief director general Ronald Bato Dela Rosa.
Paliwanag ni Trillanes hindi habang panahon ay si Pangulong Duterte ang naka-upong Pangulo ng bansa at hindi rin naman permanente ang posisyon ni Dela Rosa bilang PNP Chief.
Dahil dito, posible aniyang ang susunod na Pangulo ay ukol sa human rights ang maging sentro ng kampanya.
Tiyak aniyang maraming pulis ang sasabit dito at malalagay sa alanganin kung hindi legal ang operasyon ng mga ito ukol sa kampanya kontra ilegal na droga.
“By then retired na kayo, at kung buksan itong mga kaso na ito nakatiwangwang ung ating mga pulis ung mga nanlaban na iyan pagkabinuksan ho yan at isang honest to goodness investigation kailangan properly ung operation talaga otherwise sila rin ang mananagot long after ung mga commanders nila ay nagretire na nawala na ito yung mga nag guarantee sa kanila sagot ko kayo walang mangyayari sa inyo habang kami ang nakapwesto yun nga lang hindi sila habampanahon nakapwesto”. Bahagi ng pahayag ni Sen. Trillanes IV.
(DWIZ)
(DWIZ)
source:evendemata
Post a Comment