Ayon sa isang saksi, nakasakay sa motorsiklo at naka-helmet ang salarin na malapitang bumaril sa biktima na si alyas Michael, na umano'y nasa drug watchlist ng barangay.
Nakita naman sa tabi ng bangkay ng biktima ang iniwang karatula ng mga salarin na nagsasaad na sangkot daw sa droga ang kanilang pinatay.
Ang naturang insidente ang pinakabago sa mga kaso ng pagpatay ng mga 'di pa nakikilalang salarin sa Bulacan.
Ayon sa pulisya, ang San Jose del Monte ang may pinakamataas na kaso ng deaths under investigation sa lalawigan.
Nauna nang iniulat na nangangamba na ang ilang residente sa nabanggit na bayan dahil sa mga insidente ng pagpatay kung saan ang ibang biktima ay dinudukot at pinapasok sa bahay.
Tiniyak naman ng pamunuan ng pulisya ng Bulacan na paiigtingin nila ang paghahanap sa mga salarin at iginiit na hindi sangkot ang mga awtoridad sa extrajudicial killings
Post a Comment