Ipinag-utos umano ng anak ni Pangulong Rodrigo Duterte na si Paolo ang pagpaslang sa bilyunaryong si Richard King noong 2014.
Sa pagpatuloy ng pagdinig ng Senado sa isyu ng extrajudicial killings nitong Huwebes, sinabi rin ni Senate witness Edgar Matobato na ipinapatay ni Paolo – na ngayon ay bise alkalde ng Davao City – si King dahil sa babae.
Noong 2014, pinatay si King sa Davao City. Ang nag-utos si Paolo Duterte dahil nagkaribal sila sa babae ... yung may-ari ng McDonalds, si Ochoa hindi ko alam ang pangalan,” pahayag ni Matobato.
Mula sa Davao City, sinagot naman si Paolo, sa pamamagitan ng Chief Information Officer of Davao City, ang akusasyon ni Matobato.
"What de Lima and this certain Matobato say in public are bare allegations in the absence of proof. They are mere hearsay. I will not dignify with an answer the accusations of a madman," pahayag ni Paolo.
Ayon kay Matobato, dalawang rebel returnees – si Joel Tapales at Loloy Gabas – ang naatasang pumatay kay King at binayaran sila ng P500,000.
Pinatay nila, dinouble-cross yan, yung pulis na nag-utos. Sina Tapales at Gabas ang tumira. Umuwi sila ng bahay tapos dinukot sila, inistambay muna sa Holiday Inn, pagkagabi, ibinyahe na sila at inilibing sa buhangin, dagdag ni Matobato.
Nang tanungin kung paano niya nalaman na si Paolo ang nagpapatay kay King, sinabi ni Matobato na: “Nagpunta siya sa opisina namin, nagplano sila doon. Nag-usap din kami ginawa nila doon ang plano.”
Nais na naumano niyang kumalas noon sa grupo pero sa kanya umano ipinaratang ang pagpatay kay King para hindi na umnao siya mag-ingay.
“June 12 napatay si King, pagdating ng June 19 hinuli nila ako, ginawan nila ako ng paraan para hindi na ako magsalita. Tinortyur ako ng isang linggo. Mabuti na lang at hindi ako na-salvage,” pahayag ni Matobato.
Matapos umano ito, nagtago siya sa Cebu, tapos sa Leyte, at Samar.
Dahil hindi na kaya umano ng kanyang konsyensya, naglakas-loob na siyang lumapit sa Commission on Human Rights noong August 21, 2014 upang sabihin ang kanyang mga nalalaman at upang ma-protektahan din siya.
iniutos-ni-paolo-duterte
Post a Comment