Halos 30 ang nahuli sa isa umanong drug den sa Quezon City. Sa Maynila naman, umalma ang mga kaanak ng isang napatay umanong drug suspect. Nagpa-Patrol, Ernie Manio. TV Patrol, Linggo, Oktubre 2, 2016
Isa umanong notoryus na tulak ng iligal na droga timbog sa Quezon City
Timbog sa kamay ng mga awtoridad ang 27 indibidwal, kabilang ang isang umano’y notoryus na tulak ng droga sa Sta. Cruz, Quezon city.
Kinilala ni Police Superintendent Igmedio Bernaldez, ang may-ari ng bahay at sinasabing tulak na si Monica Delasan, alyas “monique”.
Si Delasan ay numero uno umano sa drug watchlist ng nabanggit na barangay.
Ayon kay Bernaldez, nagsagawa muna sila ng isang linggong surveillance sa bahay ni Delasan na ginagawang drug den kaya’t naikasa ang operasyon.
Sinabi ng police official na sumuko na si Delasan sa ‘oplan tokhang’ ng pulisya ngunit hindi pa rin tumitigil sa kanyang illegal activities.
Nasabat naman ng pulisya sa bahay ni Delasan ang apat na bulto ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng apat na pung libong Piso.
Kasong paglabag sa comprehensive dangerous drugs act ang kinakaharap ng mga naarestong suspek.
source:abscbn/(dwiz)
Post a Comment