Inaresto ang isang estudyanteng nagtangkang magpuslit ng 4.8 kilo ng iligal na droga sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), Lunes.
Limang araw nagbakasyon sa Brazil ang 22-anyos na suspek na si Jon-Jon Villamin, pero nakakuha ng tip ang mga awtoridad na may pasalubong siyang ipinagbabawal.
Paglapag sa NAIA Terminal 3 ng kanyang connecting flight mula sa Dubai, sinilip ng mga awtoridad ang chineck-in na maleta ni Villamin.
"Noong na-confirm ng x-ray na may shadow 'yung bag, we placed him in isolation. From there, we used K-9 unit of PDEA to check. Tapos inupuan yung bag.
From there, suspect talaga at binuksan," ani Bureau of Custooms Deputy Commissioner Arlan Alcaraz.
Post a Comment