Halloween Costume ideas 2015

Suspek sa pagpatay ng Cubao traffic enforcer, naaresto sa Appari, Cagayan



Naaresto na ng mga tauhan nang Quezon City Police District ang mekanikong suspek sa pagpatay sa traffic enforcer na si Ernesto Paras Jr. sa Dreamland Hotel, Brgy. Macanaya Aparri Cagayan Valley.

Ayon kay QCPD Director PSsupt. Guillermo Eleazar, nagpark sa maling lugar ang suspek na si Geronimo Iquin alyas Jun kayat pinaaalis ito ni Paras.


Nakita aniya nang suspek na binabaklas na ni Paras ang plaka ng dala nitong Honda Civic kayat binaril nito ang biktima ng ilang beses gamit ang paltik na 38 revolver at saka sinagasaan noong Sept. 30 sa Ermin Garcia, Cubao, Quezon City.

Sinabi naman ni NCRPO Director PCsupt. Oscar Albayalde na natunton ang suspek dahil sa gamit nitong sasakyan na pagmamay ari nang kapatid ng isang pulis na ipinagagawa lamang sa kanya.

Dahil dito’y nalaman ang probinsya ng suspek na agad namang tinunton ng mga tauhan nang QCPD.

Si iquin ay may pending warrant of arrest din sa kasong estafa







source:untvnews

Post a Comment

MKRdezign

Contact Form

Name

Email *

Message *

Powered by Blogger.
Javascript DisablePlease Enable Javascript To See All Widget