Halloween Costume ideas 2015

Pabrika ng damit sa Makati, nasunog 3 sugatan



Tatlo ang nasugatan makaraang masunog ang isang tatlong-palapag na commercial-residential building sa Olympia, Makati Linggo ng umaga.
Pag-aari ng isang Marina Khatibi ang gusaling nagsisilbing patahian at tindahan ng mga damit, at boarding house ng mga empleyado.
Ayon kay Arsing Señega , isa sa mga mananahi, hinihinalang problema sa eletrical wiring ang sanhi ng sunog na nagsimula sa ikatlong palapag pasado alas-5:30 ng madaling-araw.
Agad namang nakalabas sa gusali ang lahat ng mga trabahador. Hindi rin kumalat ang apoy sa mga katabing bahay dahil sa mga firewall.
Pero nagtamo ng minor burns ang tatlong bumbero at fire volunteer na rumesponde sa insidente, ayon sa Philippine Red Cross.
Isinugod din sa ospital ang 89-anyos na si Aida Gutierrez, residente ng kabilang gusali, matapos mahirapang makahinga dahil sa makapal na usok sa lugar.
Inaalam pa kung magkano ang kabuuang halaga ng pinsala sa sunog na naapula alas-7:20 ng umaga.









source:DZMM

Post a Comment

MKRdezign

Contact Form

Name

Email *

Message *

Powered by Blogger.
Javascript DisablePlease Enable Javascript To See All Widget