Muling binanatan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga aniya’y dilawan o ang kampo ni dating Pangulong Noynoy Aquino.
Ito’y ayon sa Pangulong Duterte ay siyang nasa likod umano ng nilulutong panibagong people power, kudeta at impeachment laban sa kaniya sa susunod na taon na gagawin sa Metro Manila.
Matigas na pahayag ng Pangulo, hindi siya natatakot at lalong hindi siya magpapatinag sa mga planong pagpapatalsik sa kaniya sa puwesto.
Kinumpirma ni Secretary of the Cabinet Leoncio Evasco Jr. na buhay na buhay umano ang planong kudeta para mapatalsik sa puwesto si Pangulong Rodrigo Duterte. Sinabi ni Sec. Evasco, mayroon siyang "reliable source" na sina Sen.
Antonio Trillanes at ilang taga-Liberal Party ang umano'y nasa likod ng planong kudeta. Ayaw namang ibunyag ni Evasco kung sino ang nagbigay sa kanya ng impormasyon kaugnay sa planong kudeta laban sa Pangulo.
Magugunitang mismong si Pangulong Duterte ay binabanggit niya sa kanyang mga talumpati na hindi siya natatakot sa bantang kudeta dahil hindi naman siya kapit-tuko sa puwesto.
source:findtrendingportal
Post a Comment